Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad Tila may kumpas ang bawat hakbang Natutong sumayaw sa sariling paraan Sa bawat tugtog na alam Hindi naman sa ako'y nagmamayabang Kelan ma'y hindi pa natanggihan Mahusay magdala tila napakagaan Sa hangin parang lumulutang Maraming kapareha na sa akin nagdaan Pagkatapos ng tugtog nalilimutan Ngunit ng makita siya sayawang ito Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko. Panaginip kita, mahal na prinsesa Minsan sana'y makapareha Ibibigay ko pati puso ko Para lamang makasama ka Makapareha ka, mahal na prinsesa Dahan–dahan nilapitan ang dilag na ito At mapormang isinayaw sa gitna Umikot nang umikot at nakakahilo Lahat ng tao'y tulala Iisa ang kapareha sa buong magdamag Di ko siya mapagot at hindi matagtag Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan Tuloy-tuloy ang kapit Hanggang sa mauwi na sa simbahan Mula noong kami'y sa simbahan naglakad Magkasama na sa araw at gabi Mayrong mga ilang supling na ngayo'y nadagdag Na sumasayaw na rin sa tabi…