Matang natatakot Luhang nakabalot Puso'y napapagod Isip ay umiikot Sa imaheng nais kong matunton Meron pa kayang hangganan Ngiting mapanlinlang Dahil ayaw kong tumingin sa salamin At mapagtantong mahirap ngang tanggapin Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit Maging sapat gawin man ang lahat Kailan kita masisilayan At kakayanang pagmasdan Laging gumuguhit Sa brasong namamanhid Tuluyang inuukit sa isip Na mas kakayaning manatili sa dilim Dahil ayaw kong tumingin sa salamin At mapagtantong mahirap ngang tanggapin Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit Maging sapat gawin man ang lahat Kailan kita masisilayan At kakayanang pagmasdan Puro sugat at hiwa'ng aking paningin Dulot ng bawat maling nakikita sa 'kin Sinubukan ko mang iwasan ang salamin Aking damdamin ay puro bubog pa rin Dahil ayaw kong tumingin sa salamin At mapagtantong mahirap ngang tanggapin Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit Maging sapat gawin man ang lahat Kailan kita masisilayan At kakayanang pagmasdan Dahil ayaw kong tumingin Ayaw ko Pagod na 'kong tumingin At makita ang hindi ko kayang mahalin